PANOORIN: Kapamilya stars humataw sa 'Budots' dance sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2018 04:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Bago matapos ang taon, hindi nagpahuli ang ilang Kapamilya stars sa "ASAP" sa pagsabak sa isa sa mga pinakakinagiliwang dance craze sa bansa nitong 2018 — ang "Budots."

Kabilang sa mga nagpakitang gilas sa pagsayaw ng "Budots" nitong Linggo sina Darren Espanto, Billy Crawford, McCoy De Leon, Elisse Joson, Iñigo Pascual at Maris Racal.

Kasama pa ni Espanto sa pagsayaw ng "Budots" sa Davao City ang grupong D'Squared, na kilala sa kanilang pagtanghal ng "Budots" dance sa mga entablado rito sa bansa at abroad.

Unang nag-viral ang D'Squared nang isama nila ang "Budots" sa dance routine na kanilang ipinanlaban sa lokal na dance competition na VibePH, kung saan nanalo silang 2nd place.

Bukod doon, naitanghal na rin ng D'Squared ang "Budots" sa mga manonood sa Arizona sa United States at South Korea.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.