MMFF best picture 'Mindanao' nanawagan ng dagdag sinehan para sa pelikula

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 07:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Inulan ng parangal sa Metro Manila Film Festival 2019 ang pelikulang "Mindanao" na hinakot ang "best picture," "best actor," "best actress," at iba pang major awards. 

Sa speech ni Brillante Mendoza nang tanggapin niya ang "best director" award, nakiusap ito na dagdagan ang mga sinehang nagpapalabas sa Mindanao.

"Ang hiling lang po sana namin ay madagdagan iyong aming sinehan," ani Mendoza.

"Ito ay pelikula tungkol sa Pilipino, pamilyang Pilipino, at mga nanay na may pinagdadaanan, katulad ng pinagdaanan ni Saima (karakter sa pelikula)," dagdag ng direktor sa hiwalay na panayam. 

Humirit din ang mga artistang parte ng pelikula.

"Direk, baka puwede namin pagsamahin ni Allen [Dizon] iyong P200,000. Kikita na siguro tayo kahit papaano," sabi naman ni Judy Ann Santos nang tanggapin ang "best actress" trophy.

"Sana po may pumick-up, sana lahat ng sinehan dumami pa para maraming makatingin sa Mindanao," ani Allen Dizon, na tinanghal na "best actor."

Nakasentro ang kuwento ng pelikula sa isang Muslim na babaeng nag-aalaga ng anak na may kanser. 

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.