Dennis Trillo, inalay ang bagong tagumpay sa nobyang si Jennylyn

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2018 03:14 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on

MANILA -- Labis ang pasasalamat ng aktor na si Dennis Trillo sa nobyang si Jennylyn Mercado sa suportang ibinigay nito sa kanya.

Ito ay matapos niyang magwagi bilang pinakamagaling na aktor sa 2018 Metro Manila Film Festival Awards nitong Huwebes ng gabi para sa pelikula nila ni Kim Chiu na "One Great Love."

Sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, ibinahagi ni Dennis ang kasiyahan sa natanggap na parangal.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on

Pagbabahagi ni Dennis, 14 na taon na ang nakakaraan nang matanggap niya ang kanyang unang Best Actor trophy para sa pelikulang "Aishite Imasu 1941" na idinirehe ni Joel Lamangan.

"Ang lahat ng ito ay hindi ko magagawa kung hindi sa tulong ng lahat ng mga mahal ko sa buhay. Salamat sa inyong pag-aalaga at pagmamahal sa 'kin, lalo na kay [Jennylyn]," aniya.

Ipinarating din ni Dennis ang pasasalamat sa kanyang co-stars kabilang na si Kim, pati na rin sa kanyang direktor na si Eric Quizon.

"Taos-puso din ang aking pasasalamat kay Miss Kim Chiu, JC de Vera, Marlo Mortel, at Miles Ocampo. Lahat ay magagaling at seryoso sa trabaho, mapalad at proud akong nakagawa ng proyekto kasama kayo. Malaking bagay din ang tulong at paggabay ng aming director na si direk Eric Quizon. Salamat sa pagbigay ng kumpiyansa sa akin upang magampanan ko nang maayos ang role ni Ian," aniya.