PANOORIN: Kim Chiu, nag-fangirl nang regaluhan ng Blackpink posters

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2018 03:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi naitago ni Kim Chiu ang kaniyang saya nang makatanggap ng regalong mga poster ng hinahangaan niyang South Korean girl group na Blackpink.

Lumabas si Chiu at ang kaniyang "One Great Love" co-star na si JC De Vera sa episode ng "Tonight With Boy Abunda" noong Lunes, kung saan nakatanggap sila ng mga regalo mula sa programa.

Tumaas pa ang boses ni Chiu sa tuwa nang makita ang mga regalong poster. "I love them so much," sabi ni Chiu, na tinutukoy ang apat na miyembro ng girl group.

Ikinuwento rin ni Chiu na nakilala niya ang Blackpink matapos panoorin ang music video ng kanta ng grupo na "Ddu-Du Ddu-Du."

"Gusto ko lang sila, Tito Boy, kasi super idol ko si Taylor Swift and then sila 'yong next to Taylor Swift na naka-reach ng 100 million in one day views in YouTube," kuwento ni Chiu.

"Sabi ko, 'Sino 'tong mga 'to parang lalamangan pa nila si Taylor Swift?' Tapos noong tiningnan ko sila [sabi ko] 'Oh my gosh, ang gaganda nila, ang gagaling nila,'" kuwento ng aktres.

Palabas na sa mga sinehan simula Disyembre 25 ang "One Great Love" tampok sina Chiu, De Vera at Dennis Trillo. Isa ang pelikulang iyon sa mga kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Samantala, nakatakda namang magdaos ng concert ang Blackpink sa Pilipinas sa Pebrero 2019.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.