Kapamilya stars ibinahagi ang holiday plans

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2019 08:46 PM

MAYNILA - May sari-sariling plano ngayong Pasko ang mga Kapamilya stars para masulit ang holiday season. 

Time out muna ang aktor na si Coco Martin sa trabaho at nagpasyang mag-celebrate ng Pasko kasama ang pamilya. 

"Papahinga lang, babawi sa kanila. Hindi muna ako mag-ibang bansa kasi after Christmas, December 26, back to work na ulit kami," ani Martin. 

Tututukan din ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang kaniyang pamilya ngayong holiday season. 

"I'm going to rest with my babies and my husband, of course, and spend time with my whole family. It is something I really look forward to every Christmas kasi buong taon busy kaming magkakapatid hindi kami nagkikita-kita," aniya. 

Gayundin ang gagawin ni "Miracle Cell No. 7" star na si Aga Muhlach. Pero kakayod pa rin siya para ma-promote ang bagong pelikula. 

Magpapatuloy naman si Angel Locsin na magbigay ng tulong ngayong holiday season. 

"Lahat naman ng plano ko walang nakakaalam so ima-maintain ko na ganu'n lang kami, of course, maliit na grupo, apat lang kami," ani Locsin. 

Nangibang-bansa naman ang ilang celebrities gaya nina Pia Wurtzbach, Maja Salvador, Catriona Gray, at Kris Aquino. -- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.