Pinay, pasok sa Final 4 ng 'X Factor Romania'

Jackie de Vega, ABS-CBN Europe News Bureau

Posted at Dec 18 2018 06:45 PM

BUCHAREST, Romania - Pasok ang Pinay singer na si Bella Santiago sa Final 4 ng "The X Factor Romania."

Sa unang bahagi ng semifinals, kinanta ng Caviteña ang hit song ni Celine Dion na “It's All Coming Back To Me Now.”

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinili naman ng 29-anyos ang Moldovan song na “Hora Din Moldova” na entry sa Eurovision song contest noong taong 2009 para sa ikalawang bahagi ng semis.

Na-impress sa kaniyang performance hindi lamang ang mga judge, maging ang audience din.

Sa pamamagitan ng audience vote ang paraan upang makaabante kada round sa show.

Kinakailangan namang makumbinsi ni Santiago ang publiko na iboto siya muli sa huling linggo ng Season 8 ng "The X Factor" para manalo ng 100,000 euro na cash prize.

Sakaling palarin, si Santiago ang kauna-unahang Pilipinas na mananalo sa "The X Factor Romania."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.