JC Santos, mapapanood sa dalawang MMFF entry

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2019 07:13 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

MAYNILA -- Kabilang sa dalawang Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ngayong taon ang aktor na si JC Santos, na kasali sa "Miracle in Cell No. 7" at ang horror movie na "Sunod."

Kuwento ng aktor, hindi niya mailarawan ang kaniyang nararadaman sa pagbuhos ng mga proyekto na dumarating sa kaniya ngayon.

"Nakaka-overwhelm, super blessing talaga this year. Medyo nakakapagod lang kasi hindi ko alam kung kailan ako magpo-promote. Kailangan ko lang talaga i-balance," tugon ng aktor sa panayam.

"But I'm honored kasi MMFF 'to eh, kasama ako sa festival at malaking bagay ito para sa akin and para sa lahat ng mga tao na nagtitiwala sa akin." 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

Bukod sa dalawang pelikulang pang-MMFF, naging bida rin si JC sa matagumpay na stage musical na "Lam-Ang"

Aniya, maituturing na pinakamahirap ang "Lam-Ang" sa lahat ng theater roles na kaniyang ginampanan.

"Grabe, ito ang pinakamahirap na play na nagawa ko sa buong buhay ko. Kasi kailangan triple threat ka eh, kailangan sing, dance and act," kuwento ng aktor. "So medyo mahirap kasi kailangan fit and athletic ka. Ito nga o may sugat ako, natamaan ako ng weapon kasi totoo ang weapon na ginagamit namin and totoo ang mga fight scenes."

Sa ngayon, abala si JC sa pag-promote ng "Miracle in Cell No. 7" at "Sunod" na magbubukas ngayong Disyembre 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.