TINGNAN: Brillante Mendoza, sariling kayod sa float ng 'Mindanao'

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2019 12:57 PM

MAYNILA -- Todo paghahanda na para sa nalalapit na taunang parada ng mga bituin ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang direktor ng pelikulang "Mindanao" na si Brillante Mendoza.

Sa ibinahaging retrato sa Facebook ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson na si Liza Dino, pinuri nito ang direktor na abala sa pagtapos ng sariling disenyo sa float na gagamitin sa darating na parada.

 

"Sariling kayod! Direk Brillante Mendoza channeling the production designer he once was as he personally takes on the task of making the float for his film 'Mindanao,' starring Judy Ann Santos and Allen Dizon. 'Mindanao' is an official entry to the 2019 Metro Manila Film Festival. Goooo direk! Para-paraan! Galing! Talk about being hands-on," caption ni Liza sa post.

Nag-uwi ang "Mindanao" ng parangal mula sa katatapos lang na Cairo International Film Festival kung saan itinanghal na pinakamahusay na aktres si Judy Ann.

Sa Disyembre 22 magaganap ang parada ng mga bituin na kalahok ng MMFF 2019 sa Taguig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.