Pokwang, ramdam ang mababang trato sa mga komedyante

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2019 03:19 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

MAYNILA -- Tila hindi nalalayo ang naging karanasan ng komediyanang si Pokwang sa naging pahayag ng "It's Showtime" host na si Vice Ganda tungkol sa mababang tingin ng tao sa comedy.

Ayon kay Pokwang na madalas naiimbitahan para magbigay-ngiti sa mga manonood sa iba't ibang lugar, minsan na niyang naramdaman ang mababang trato sa katulad niyang komedyante.

"Minsan na pangyayari sa mga shows mararamdaman mo rin na parang, 'ha dito lang talaga kami nakatambay?" tugon ni Pokwang sa panayam.

"Pero ako pinagdarasal ko na lang na. Okay lang, bigyan niyo na lang po ako ng powers na mapasaya ko sila, ganun talaga eh. Dumarating talaga ang mga ganung pagkakataon. Itawa mo na lang, huwag ka magpaapekto kasi haharap ka sa kanila so 'pag nag-reflect sa mukha mo 'yun, wala na."

At sa pagbibigay ngiti sa ibang tao, inamin rin ni Pokwang ang kailangan ng pagbabago sa comedy.

"Kailangan talaga sumabay. Kailangan kasi 'yung mga millenials, kailangan sasabay ka sa kung ano ang uso. Kailangan mo talaga mag-evolve din kasi kung hind,i 'pag naiwan ka doon, wala na," pahayag niya.

Sa ngayon, isa si Pokwang sa mga mapapanood sa 2019 Metro Manila Film Festival na "Mission Unstapabol: The Don Identity" ni Vic Sotto ngayong Disyembre 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.