Maine Mendoza, mas bukas na sa relasyon kay Arjo

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2019 04:59 PM | Updated as of Dec 16 2019 05:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi isinasara ni Maine Mendoza ang posibildad na magsama sila ng aktor na si Arjo Atayde sa isang pelkula.

Kasunod ito nang napabalitang pagsusulat ni Arjo ng istorya para sa isang pelikula.

"Sana po, sana. Kasi mayroon din siyang sinusulat na istorya, and magpo-produce na rin naman siya," ani Maine sa naganap na media conference ng 2019 Metro Manila Film Festival entry na "Mission Unstapabol: The Don Identity."

"Ginagawa niya naman daw 'yun for the two of us, 'yung story," dagdag pa ni Maine.

Masaya rin si Maine na aprubado ng kaniyang mga kapatid si Arjo na madalas niyang nakakasama ngayon.

"Mas close pa nga sila ng kapatid ko kaysa sa akin. Ganun po 'yung na establish na relationship sa mga kapatid ko," aniya.

Dito, naibahagi rin ng TV host -actress kung paano natuloy ang kaniyang binuong family dinner para sa pamilya ni Arjo.

"Napag-usapan lang po before kasi hindi na po nasundan 'yung na meet ko 'yung parents sa bahay nila and then sakto pa na ‘yung two movies. Segue ako, so sabi ko kay Arjo, 'Ito na may free time na dinner na tayo.'"

At kung tatanungin kung bakit mas kamapante ngayon na magkuwento sa relasyon kay Arjo, pahayag ni Maine: "Eh kasi wala naman naman pong dapat itago, 'yun lang. Open naman na po kami."

Oktubre 2018 nang unang napabalita ang pagmamabutihan nina Maine at Arjo.

Kabilang si Maine sa mga mapapanood sa 2019 MMFF entry na "Mission Unstapabol: The Don Identity" ni Vic Sotto ngayong Disyembre 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.