Angel Locsin, muling sumaklolo sa kaibigang si Dimples

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2019 12:52 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

MAYNILA -- Muling isinugod sa ospital si Boyet Ahmee, asawa ng aktres na si Dimples Romana.

Sa Instagram nitong Linggo, ibinahagi ni Dimples na ang anak niyang si Callie ang nagpadala ng text message sa kanya para sabihing kailangan na nilang dalhin sa ospital si Ahmee dahil muli itong dumudura ng dugo.

Sa kuwento ni Dimples, kahit pinayagan na siyang umalis mula sa taping ng seryeng "Kadenang Ginto" ay minabuti na rin niyang tapusin ang ilang eksena.

Nagpasalamat ang aktres dahil naroon para agad umalalay sa kanyang asawa ang kanyang kapatid na si Bam at pamilya nito.

"After that tough time we had a week ago, we were all nervous to go through it again. Told my bosses in 'KG' right away and they were all very gracious and concerned and told me naman to leave if I really have to dahil para sa aming lahat, family first. But I decided to stay and finish the last few scenes and called my brother to take my husband to the hospital instead," kuwento ni Dimples.

Nagpasalamat din si Dimples sa matalik na kaibigan na si Angel Locsin sa ginawa nitong pagtulong at suporta sa kanyang pamilya. 

"And sa aming Darna, nilipad mo ang The Medical City. Salamat sa pagmamahal na maasahan forever. Balita ko, minamasahe mo pa feet ni Boyet, I can just imagine 'yung hiya niya. Salamat sa pagsama sa akin, sa paghila sa akin sa mga pgkakataon nanghihina ako, sa pagsama sa pamilya ko habang hindi pa ako makarating, sa pagasikaso sa lahat habang bagsak ako from taping, sa pagpilit sa aking kumain, sa pakikipaglaro kay Alonzo habang may inaasikaso ako, sa lahat ng suportang walang pagaalinlangan at pagaatubili, salamat. Mahal na mahal ka namin," ani Dimples.

Ayon kay Dimples, pagdurugo ang dahilan kung bakit muli nilang isinugod sa ospital ang asawa. At matapos ang isang na operasyon ay maayos na ang kalagayan ni Ahmee.

"He’s now stable and on his way to recovery. Again, thank you all for your prayers. Akala ata ng mga pagsubok na ito, kaya nila ako! Huy, pagsubok, wala ka sa Panginoon ko! We got this," ani Dimples.

Matatandaang noong nakaraang linggo sa "Tonight With Boy Abunda" ay naging emosyonal si Dimples nang magkuwento tungkol sa pinagdaanan ng kanyang asawa.

Aniya, inakala niyang mawawala sa kanya ang mister matapos itong maisugod sa ospital dahil sa pagsuka nito ng dugo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.