Zsa Zsa Padilla, balik 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2018 02:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Matapos ang naging pahinga, mulingnag-babalik sa "ASAP" stage si Zsa Zsa Padilla.

Sa opening number ng "ASAP Natin 'To" nitong Linggo, magkasama sa isang production number sina Zsa Zsa at Regine Velasquez.

Matatandaan na kamakailan, naging usap-usapan sa social media ang pagkawala ni Zsa Zsa sa "ASAP" matapos ang naging reformat ng Sunday noontime variety show.

Naging mas maugong pa ang espekulasyon sa naging Instagram post ng singer.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

Sa kanyang naging pahinga, iginugol ni Zsa Zsa ang kanyang oras sa kanyang farm sa Lucban, Quezon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.