PANOORIN: 'Dancing teacher' na nag-viral, humataw sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2018 04:20 PM | Updated as of Dec 16 2018 10:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Dream come true para sa gurong si Cecille de Guzman ang kanyang paghataw sa "ASAP" stage nitong Linggo.

Nakilala sidDe Guzman sa kanyang swabeng dance moves na nagbigay sa kanya ng titulo bilang "Dancing Teacher" na nag-viral sa social media.

Sa "ASAP Natin 'To," nakasama niya sa dance floor ang Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Jessy Mendiola.

Labis naman na pasasalamat at kasiyahan ang naramdaman ng guro sa pambihirang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng "ASAP."

"Sobrang saya ko po, napakasaya po. Kasi dati napapanood ko lang sila sa TV; ngayon, nakasayaw ko na din po. Sobrang overwhelming po talaga," pahayag ni De Guzman sa "ASAP."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.