Alice Dixson, binalikan ang pelikulang 'Dyesebel'

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2019 07:01 PM

MAYNILA --- Napa-throwback sa Instagram ang aktres na si Alice Dixson sa kaniyang hindi malilumutang eksena sa pelikulang na "Dyesebel."

"This film debuted in 1990. I was 18 when we started principal photography. It took two years to complete as like many nerve wracking movies we had our share of setbacks," aniya sa post.

Kasama rin ng aktres ang batang Judy Ann Santos at ang kaniyang leading man sa pelikula na si Richard Gomez.

"Here is a scene with [Judy Ann]. She was so little, cute, smart and already full of stardom. Malou de Guzman always so light, refreshingly fun, entertaining. And, of course Goma, my leading man, the epitome of tall, dark and dashing. So many fond memories. More flashbacks upcoming with further nuggets of insight," pahayag ni Alice sa post.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.