SILIPIN: Momoland at iba pang bituin nakisaya sa ABS-CBN Christmas special

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2019 09:03 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nagsama-sama ang mga bigating Kapamilya stars para sa two-part Christmas special ng ABS-CBN ngayong taon. 

Kabilang sa mga nag-perform sina Gary Valenciano, Judy Ann Santos, Daniel Padilla, Piolo Pascual, at Darren Espanto. 

Nagkaroon din ng diva showdown sina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, at Sarah Geronimo. 

Nagpagalingan naman sa sayawan at rap ang ilang bituin. Hindi rin nawala ang mga love team gaya ng KathNiel, LizQuen, MayWard, at iba pa. 

Pinangunahan naman ni Coco Martin ang mga teleserye stars na nakisama sa Christmas special. 

May special appearance din ang K-Pop girl group na Momoland bilang bagong Kapamilya. 

Para sa ilang Kapamilya stars, espesyal ang kanilang paglahok sa Christmas special. 

"It's always naman talagang good to be working sa Christmas special especially ang theme natin ngayon is family is forever, love naman talaga is the essence of Christmas," ani Jodi Sta. Maria. 

"It's just nice that everyone is still here, when I saw Tita Charo, Tita Malou, Inang, and Boss Gabby. Very happy that the fans have transcended generations," ani Cuneta. 

Mapapanood ang 2-part ABS-CBN Christmas special sa Sabado at Linggo, simula 8:30 ng gabi. 

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.