Barbie Imperial, hindi na nakakausap si JM de Guzman

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2018 12:34 PM

MAYNILA -- Time out muna daw ngayon sa pag-ibig ang Kapamilya star na si Barbie Imperial. 

Kasunod ito ng mainit na usapan ngayon na tila pagkaudlot ng pag-iibigan nila ni JM de Guzman na kanyang nakapareha sa seryeng "Araw Gabi."

Sa panayam ng entertainment press sa taping ng "Family Is Love" 2018 ABS-CBN Christmas concert sa Araneta Coliseum, inamin ni Barbie na magkaibigan na lang sila ngayon ni JM.

"Okay kami, magkaibigan, as friends," bungad ni Barbie sa panayam ng press.

At nang tanungin kung nag-uusap pa rin ba sila ngayon ni JM, ito ang matipid na pahayag ni Barbie: "Hindi na po." 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

Nang pilitin na tanungin kung ano ang naging dahilan nang kanilang tila hindi pagkakaintindihan:"Siguro po, sa 'min na lang 'yun kasi para sa akin hindi naman po importante na malaman pa ng buong mundo kung ano ang nangyari, kung bakit nagkaganun. Kumbaga, may respeto pa rin ako sa kanya kahit na ganun ang nangyari," paliwanag ng Kapamilya star.

"Basta happy ako, 'yun naman po ang importante. Kung ano man ang nangyari po, ako po kasi naniniwala ako na meant to be talaga 'yan e. Baka hindi talaga pwede, and someday baka maintindihan ko and malaman ko rin 'yung reason kung bakit hindi siya nangyari," patuloy pa niya.

Nagkaroon man nang hindi pag kakaunawaan, malaki pa rin ang pasasalamat ni Barbie sa naitulong ni JM sa kanyang naging karera bilang leading lady.

"Tao lang po ako, masasaktan, pero ayaw ko kasi na magtanim ng galit e. Kasi si JM, kung wala naman si JM, hindi naman ako magiging leading lady. Kung wala naman si JM hindi naman ako makukuha bilang si Michelle Verano sa 'Araw Gabi', so thankful ako na dumating siya," pahayag pa ni Barbie.

Sa huli, labis ang pasasalamat ng Kapamilya star sa kanilang tagahanga na sumuporta sa kanilang naging tambalan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.