Kim Chiu, naging emosyonal dahil sa suporta ng fan

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2018 04:04 PM | Updated as of Dec 11 2018 05:35 PM

MAYNILA -- Hindi napigilan ang pagbuhos ng luha ng Kapamilya actress na si Kim Chiu sa "Magandang Buhay" nitong Martes.

Dito, binalikan ni Kim ang naging sakripisyo sa kanya ng kanyang mga solid fan na walang sawa ang naging suporta para sa kanya.

Isa na dito si Juliet Rodriguez na isa sa mga solid supporters at naging kaibigan ng aktres.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Natutuwa lang ako for so many years, para may magtaas pa rin ng banner para sa 'yo," emosyonal na pahayag ni Kim sa "Magandang Buhay."

"Feeling ko may solid supporters pa rin ako," ani aktres.

Kuwento pa ng aktres, ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ng kanyang taga-suporta simula nang nagsimula siya sa showbiz.

"Kahit nasaan ako, kahit anong ginagawa ko, parang pinaparamdam pa din nila sa akin na andyan sila. Swerte ko kasi wala naman akong ginagawa sa kanila, wala naman akong binibigay na kahit na ano, so sobrang lucky, kaya swerte," aniya.

Pinuri rin ni Juliet ang naging kabutihan ng aktres ng minsan siyang dumaan sa pagsubok sa kanyang buhay.

"Parang nakisimpatya siya sa akin at alam kong andyan lang siya palagi, kaya noong down na down ako, sabi ko si Kim lang ang iisipin ko," emosyonal na kuwento ng fan ni Kim.

"Sobra talaga akong thankful sa time, sa effort and sa sweat since pawisin kasi itong si Ate Juliet, all the sweat na ginugugol niya sa akin. Sobrang swerte ko to have you in my life right now. Ipinaglalaban niya talaga ako, kasit saan, kahit kanino, todo talaga, at itataas talaga niya ang banner tapos bahala na kayo. Swerte ako to have them ng ganito kahaba na hindi nila ako iniwan," pasasalamat ni Kim kay Juliet.

"Thankful ako sa 'yo, dahil noong down na down ako andyan ka sa 'kin, kasi happines ko nga si Kim, hindi mababayaran ng pera 'yun. Magsawa man ang lahat sa'yo, ako hindi ako magsasawa," emosyonal na tugon ng kaibigan at fan ni Kim.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.