Kim Chiu, inilarawan ang relasyon kay Xian Lim

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2018 01:42 PM | Updated as of Dec 11 2018 02:49 PM

MAYNILA -- Matapos umamin kamakailan si Kim Chiu sa tunay na relasyon nila ng aktor na si Xian Lim, hindi naiwasan na mapag-usapan ang lagay ng kanilang relasyon na isa sa mga nagbibigay ngiti ngayon sa kanya.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Si Xian gives me happiness and contentment," kinikilig na pahayag ni Kim sa "Magandang Buhay" nitong Martes.

Pero sabi ng aktres na hindi pa siya handa na bumuo ng kanyang sariling pamilya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

"Hindi naman all out sa love life, balance naman lahat, kasi bata pa naman ako. Wala pa naman sa isip ko ang papunta sa pagiging momshie. So ayun, balance, patas, chill, relax and enjoy," masayang tugon ni Kim.

Aniya, gusto muna niya na i-enjoy ang kanyang relasyon sa nobyo. "Sit back, relax and enjoy lang," pahayag pa ni Kim.

Sa darating na Pasko, kabilang ang "One Great Love" na pinagbibidahan ni Kim sa walong pelikula na mapapanood sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.