Vice Ganda, inspiradong magtrabaho dahil sa minamahal

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2019 12:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Aminado si Vice Ganda na malaking tulong sa kanyang trabaho ang pagkakaroon ng isang masayang buhay pag-ibig.

Sa press conference nitong Lunes para sa pinakabago niyang pelikula na "M&M: The Mall, The Merrier" kung saan kasama niyang bida si Anne Curtis, ibinahagi ni Vice na inspirado siyang magtrabaho dahil sa kanyang minamahal.

"Sa akin po malaking tulong kasi inspired akong magtrabaho. Mayroon akong totoong ngiti sa mukha ko, masaya ang puso ko. Masarap magtrabaho na masaya ang puso mo," ani Vice na nauugnay ngayon sa "It's Showtime" co-host nito na si Ion Perez.

"Masarap magtrabaho na kinikikilig ka. Masarap magtrabaho na inspired ka at masarap magtrabaho na may minamahal ka at sobrang positibo lahat ng para sa akin," dagdag ni Vice.

Si Ion ay kasama rin ni Vice sa "M&M: The Mall, The Merrier" na isa sa opisyal na kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival na ipapalabas ngayong Pasko, Disyembre 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.