Pinoy SEA Games medalists binigyang-pugay sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 02:20 PM

Inaawit ni Regine Velasquez ang "We Win As One," ang opisyal na theme song ng 30th Southeast Asian (SEA) Games. Kasama ni Velasquez sa entablado ang ilang atletang Pinoy na nag-uwi ng mga medalya para sa bansa sa naturang palaro. ABS-CBN

Kinilala sa "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo ang mga atletang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas sa pagkapanalo nila ng mga medalya sa 30th Southeast Asian (SEA) Games, na kasalukuyang idinadaos sa bansa.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kabilang sa mga nagtanghal sa engrandeng opening number sina Bayang Barrios, Gary Valencinao, Janine Berdin, Zephanie Dimaranan, Elha Nympha, Darren Espanto, KZ Tandingan, Iñigo Pascual, Jona, Angeline Quinto, at Kim Chiu.

Sa pagtatapos ng number, inawit ni Regine Velasquez ang opisyal na theme song ng palaro na "We Win As One" habang ibinida sa "ASAP" stage ang Filipino medalists.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasa 225 medalya na ang nahakot ng Pilipinas sa 30th SEA Games, base sa tala bandang alas-11 ng umaga ngayong Linggo. Kabilang dito ang 90 gold medals, 67 silver, at 68 bronze.

Tatakbo ang 2019 SEA Games hanggang Disyembre 11.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.