Aga Muhlach, ayaw umasang manalo ng best actor sa MMFF

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 01:22 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by VIVA Films (@viva_films) on

MAYNILA -- Ayaw raw asahan ni Aga Muhlach ang best actor award sa Gabi nang Parangal ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kasunod ito nang positibong papuri na tinatanggap ngayon ng aktor para sa kanyang pagganap sa Pinoy adaptation ng Korean hit movie na "Miracle In Cell No. 7."

"Ayokong asahan," tugon ni Aga sa naging ulat ng Push.

"Kasi more than anything, mas masaya ako na maipakita 'yung pelikula namin na ginawa. Gusto ko talagang mapanood nilang lahat 'yung pelikula," sabi ng aktor.

Ayon pa kay Aga, hindi rin niya inasahan ang mga positibong reaksyon ng mga film exhibitors mula sa iba't ibang malls. Ayon sa aktor, lahat ng mga nakapanood ay nagandahan sa pelikula.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by VIVA Films (@viva_films) on

"It was really overwhelming. Kasi hindi ako nanonood ng pelikula ko; napapanood ko lang ang pelikula ko 'pag premiere night na. Pagkakita nila sa akin they were started clapping and congratulating me. Sabi ko, 'Wow, parang nakakahiya naman'," ani Aga. 

"Ayokong masyadong mag-expect na ganun. Masaya na ako nag-enjoy sila and they were all congratulating me and the whole cast. And siyempre, parang alam na nila, may mga haka-haka, may mga predictions silang sinabi, happy sila, eh," pahayag pa ng aktor.

Mapapanood ang "Miracle In Cell No. 7" at iba pang pelikula na kalahok sa 2019 MMFF ngayong darating na Disyembre 25.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.