Xian, iginiit na maayos ang relasyon nila ni Kim

ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2017 11:21 AM

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

MANILA -- Taliwas sa mga naglalabasang isyu, iginiit ng aktor na si Xian Lim na maayos ang relasyon nila ng dating ka-love team na si Kim Chiu.

Sa panayam kay Xian nitong Huwebes para sa kanyang Star Music album na "Key of X," iginiit ng aktor na walang dapat ipag-alala ang kanilang mga tagahanga.

"I would say na parang, don't worry. Don't think too much. 'Yun na lang, don't think too much," aniya.

"I understand kung bakit sila nagkakaganyan. Hindi naman natin kailangang isa-isahin. But I think it's time that everyone should be happy, kasi 'yung support. Open naman ako sa kanila. I tell them na parang at the end of the day, it's the support and the love naman," dagdag niya.

Sa ngayon ay abala si Xian sa pag-promote ng kanyang album. 

Tutok naman si Kim sa teleserye na "Ikaw Lang Ang Iibigin" kung saan kapareha niya ang dating nobyo na si Gerald Anderson.