Shaina Magdayao, bibida sa 'MMK'

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2018 11:31 AM | Updated as of Nov 29 2018 01:26 PM

MANILA -- Bibida ang aktres na si Shaina Magdayao sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado.

Bibigyang buhay ni Shaina ang karakter Sheila, isang inang hindi alam na nahawa siya ng kanyang asawang may human immunodeficiency virus o HIV at naipasa pa niya ito sa kanyang anak.

Makakasama ni Shaina sa "MMK" si RK Bagatsing na gagampanan ang karakter ni Rey, asawa ni Sheila.

Sa direksyon ni Raz dela Torre at panulat ni Akeem Jordan del Rosario, mapapanood ang natatanging pagganap ni Shaina sa "MMK" ngayong Sabado, Disyembre 1, sa ABS-CBN.