Kim Chiu, may inamin ukol sa bathtub scene nila ni JC De Vera

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2018 07:40 PM | Updated as of Dec 03 2018 08:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-level up na si Kim Chiu bilang mas daring o mapangahas na aktres sa papalapit niyang pelikulang "One Great Love," kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo at JC De Vera.

Isa sa mga natatanging eksena sa unang pasilip ng pelikula, na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF), ay ang kissing scene nina Chiu at De Vera sa bathtub ng isang yate.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Chiu sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kaniyang make-up artist na si Albert Kurniawan noong Miyerkoles, inamin ni Chiu na wala raw sa script ang naturang eksena.

"Actually, wala sa script 'yong bathtub scene na 'yon, ang ganda lang ng bath tub doon sa yate. So sabi ni direk, 'Go, bago dumilim!'" ani Chiu.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Maganda naman 'yung kinalabasan and then excited na kaming lahat," dagdag ng "Pinoy Big Brother: Otso" host.

Dagdag pa ni Chiu, hindi lang ang bathtub scene ang eksenang ikagugulat ng mga manonood.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Marami kayong pagugulatan pero lahat 'yon nangyari siya dahil may dahilan na kakailangan sa eksena," aniya. "Marami pa silang mga eksena na magugulat sila."

Natatawa na lang daw si Chiu sa mga reaksiyon na ang mga eksena niya ang ilan sa mga inaabangang pasabog sa darating na MMFF, kung saan inaabangan din ang mga pelikula nina Coco Martin, Vice Ganda, Anne Curtis at iba pang bituin.

Mapapanood ang "One Great Love," na dinirek ni Eric Quizon, sa Disyembre 25.

-- May ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.