Zsa Zsa Padilla abala muna sa pagiging 'magsasaka'

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2018 05:04 PM | Updated as of Nov 28 2018 08:59 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

Kasabay ng maugong na espekulasyong hindi na siya parte ng programang "ASAP," tila nagbabagong-anyo ang tinaguriang "Divine Diva" na si Zsa Zsa Padilla bilang "magsasaka" sa ginagawa niya ngayong resort-farm.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ani Padilla, nakatutok siya ngayon sa pagtatayo ng farm sa Lucban, Quezon kasama ang partner na arkitektong si Conrad Onglao at target nila itong buksan sa 2020.

"Namamalengke ako, siya (Onglao) din pala, 'yun ang gawain niya, namimili kami ng gulay... Especially now that we're building a farm, we're interested in planting. Ambisyon ko maging magsasaka," rebelasyon ng singer. 

Matunog ngayon ang haka-hakang hindi napabilang ang Divine Diva sa bagong format ng Sunday noontime show na tatawagin ngayong "ASAP Natin 'To!"

Sa kaniyang Instagram account, binaha ng reaksyon ng netizens ang post nitong sinasabing: "I acted like it wasn't a big deal but really it was breaking my heart." 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

Kalauna'y sinabi niyang kailangan nang mag-move on at tanggalin ang pait sa buhay.

"This much is true: Be strong and move on. Harbor no bitterness in your heart. Be thankful. Love and peace to everyone," mensahe niya. 

Pero nitong Miyerkoles, nilinaw na ng management ng "ASAP" na sa pag-reformat ng produksiyon ay wala silang tinanggal na artista.

Bukod naman sa pag-aasikaso sa kaniyang farm, inaasahang babalik muli si Padilla bilang Kapamilya drama actress. —Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.