Maja ipinagmalaki ang acting ni Janella sa bago nitong pelikula

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2019 04:14 PM | Updated as of Nov 27 2019 07:09 PM

Maja at Janella Salvador sa press conference para sa teleserye nilang "The Killer Bride." Michael Bagtas, ABS-CBN News

Ipinagmalaki ni Maja Salvador ang kaniyang pamangkin at kapwa-aktres na si Janella Salvador sa ipinamalas nitong husay sa pag-arte sa pelikulang "The Heiress."

Sorpresang dumalo noong gabi ng Martes si Maja sa premiere ng "The Heiress" para ipakita ang kaniyang suporta sa kamag-anak at co-star sa primetime serye na "The Killer Bride."

"Noong nag-start nga kami ng 'The Killer Bride,' may mga workshop kami together, parang kung ano 'yong napag-usapan namin doon, nakikita ko 'yong resulta," ani Maja sa panayam ng ABS-CBN News.

"For sure dito sa kaniyang bagong pelikula, binigay din niya 'yong 1,000 percent niya," dagdag niya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay Maja, masaya rin siya na magkasama sila ni Janella na ipinagpapatuloy ang showbiz legacy ng kanilang pamilya na kinabibilangan din ng beteranong aktor na si Phillip Salvador.

"Ume-age na rin tayo but 'yong kaming 2 'yong nandito pa rin [sa showbiz], sobrang nakaktuwa," aniya.

Kasama ni Salvador na dumalo sa premiere ng pelikula ang nobyong si Rambo Nuñez.

Susundan ng "The Heiress" ang kuwento ng isang makapangyarihang mambabarang (Maricel Soriano) at ng kaniyang pamangkin (Janella).

Bukod kay Maja, dumalo rin sa premiere si Arjo Atayde para suportahan si Soriano, na nakasama niya sa "The General's Daughter." -- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.