Anak nina Dingdong at Marian, nagdiwang ng ika-2 kaarawan

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2017 11:47 AM

MANILA -- "Baby brother." 

Ito ang naging hiling ni Maria Letizia o Zia, anak ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa Instagram Story na inilabas ni Marian, kita ang ginawang pagdiriwang para sa ika-2 kaarawan ni Zia.

Matatandaang Nobyembre 23 nang ipinanganak si Zia, halos isang taon matapos ikasal sina Marian at Dingdong.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.