Angeline Quinto, masayang makatrabaho muli si Coco

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2017 12:13 PM | Updated as of Nov 23 2017 02:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Masaya si Angeline Quinto na maging parte ng seryeng "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, sinabi ni Angeline na masaya siyang muling makatrabaho si Coco na naugnay sa kanya noon.

"Siyempre naman po kasi isa si Coco sa mga taong na napakalaki ng utang na loob ko. 'Yung unang movie na ginawa ko, siya ang nakasama ko doon," ani Angeline na bumida sa pelikulang "Born To Love You" kasama si Coco noong 2012.

Aniya, marami siyang natutunan pagdating sa pag-arte sa tulong ng aktor.

"Sabi ko siguro hindi magiging malawak po 'yung kaalaman ko sa pag-arte kung hindi dahil kay Coco Martin," ani Angeline.

Sa huli, nagpasalamat si Angeline sa pagkakataong maging bahagi ng "Ang Probinsyano."
 
Noong 2015, dapat parte na ng serye si Angeline bilang isang pulis pero hindi ito natuloy.

Kaya naman ikinatuwa ng mga tagahanga ni Angeline na matapos ang dalawang taon, makakasama na rin siya sa "Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.