Kim Chiu, ibinahagi ang sekreto ng relasyon nila ni Xian Lim

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2018 11:47 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Sa naging panayam kay Kim Chiu sa renewal ng kanyang kontrata sa ABS-CBN, inamin ng aktres ang real score sa kanila ni Xian Lim.

Sinabi pa ni Kim na marami na rin ang nakakaalam nito, lalo na ang malapit nilang mga kaibigan.
 
"Kahit naman na hindi namin sabihin na oo o hindi, siguro sa actions namin sa social media saka 'pag nakikita kami ng tao na kasama namin, alam naman din nila," ani Kim.

Ayon pa kay Kim, ang constant communication ang isa sa masasabi niyang "secret" ng kanilang matatag na relasyon ni Xian.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

"Communication palagi. Tapos magkasama kapag may oras. 'Yun, hindi lang nawawala 'yung tawagan talaga," pagbabahagi ni Kim.

Matatandaang sa "Tonight With Boy Abunda" unang inamin ni Kim ang relasyon nila ni Xian.

Sa ngayon ay magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ng aktres sa nalalapit na 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang pelikulang niyang "One Great Love" kasama sina JC de Vera at Dennis Trillo ay isa mga kalahok sa nasabing festival.

"First time kong makasama sina JC (De Vera), si Dennis (Trillo), tapos lahat first time," ani Kim.

"[Kasama sa MMFF sina] Vice (Ganda), Anne (Curtis), Coco (Martin), Jericho (Rosales). Oo naman, nandoon 'yung pressure, nandoon ang kaba. Hindi ko na alam 'yung pakiramdam ko, so as early as now ay nagpo-promote na ako na sana ay panoorin niyo ang 'One Great Love.' It's really a good story. Ako, proud ako sa pelikula," ani Kim.

Mapapanood ang pelikula ni Kim at iba pang kalahok sa MMFF sa araw ng Pasko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.