Kyle Echarri at Francine Diaz, mas lumalim na ang pagkakaibigan

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2019 05:17 PM | Updated as of Nov 21 2019 05:27 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri) on

MAYNILA -- "Masaya po ako 'pag nakikita ko siyang masaya"

Ganito kung ilarawan ni Kyle Echarri ang kanyang nararamdaman sa tuwing nakikitang masaya ang ka-tandem na si Francine Diaz.

Sa kanilang naging pagbisita sa "Tonight With Boy Abunda," inilarawan ni Kyle ang kanyang nararamdam para sa ka-love team sa "Kadenang Ginto."

Watch more in iWant or TFC.tv

"It's one of the best feeling seeing someone especially if I'm the one who made her happy. 'Yung feeling na ang sarap pala kasama nito, ang sarap pala pasayahin 'tong taong 'to," ani Kyle sa panayam ni Boy Abunda.

Dito, nagpalitan rin ng kanilang matatamis na mensahe sa isa't isa sina Kyle at Francine.

"Thank you so much kasi pagka sad ako, gumagawa ka ng way para mapasaya ko. And thank you, kasi kapag may problema ako, nakikinig ka sa akin palagi, never mo akong iniwan sa ere," ani Francine kay Kyle.

"Thank you dahil tinatanggap mo ako bilang kaibigan mo. I'm happy to be someone in your life. You allow me to make you happy and thank you dahil sa tagal ko sa industriya, it's been hard for me to find friends and I can promise you na ikaw ang isa sa mga pinakapaborito kong tao sa mundo," sabi naman ni Kyle sa ka-love team.

At nang tanungin naman si Kyle kung paano niya ilalarawan ang nararamdaman kay Francine, aniya: "Sa ngayon Tito Boy, lagi ko po siyang nakakasama. I know a lot of things she's been going through. We both know more than anyone knows about each other."

Sina Kyle at Francine ay mas nakilala bilang sina Cassie at Kristoff sa hit Kapamilya serye na "Kadenang Ginto."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.