Alexa Ilacad, dean's lister sa kanyang school

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2019 11:39 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi maitago ni Alexa Ilacad ang kasiyahan nang makapasok siya sa dean's list sa kanyang paaralan.

Sa kanyang Instagram Stories post, ibinahagi ni Alexa na hindi siya makapaniwala na magiging dean's lister siya sa kabila ng kanyang busy work schedule.

Nagpasalamat din ang aktres, na isa sa mga bituin ng sikat na seryeng "The Killer Bride," sa kanyang mga kaklase at guro na tumulong sa kanyang pag-aaral.

-- Umagang Kay Ganda, Nobyembre 21, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.