(UPDATED) Sa unang pagkakataon, nagtanghal ang isang South Korean idol group sa American Music Awards nitong Linggo (Lunes ng umaga sa Pilipinas).
Kuha ni Danny Moloshok, Reuters
Kuha ni Danny Moloshok, Reuters
Kuha ni Mario Anzuoni, Reuters
Kuha ni Mario Anzuoni, Reuters
Kuha ni Danny Moloshok, Reuters
Kuha ni Mario Anzuoni, Reuters
Itinanghal ng grupong Bangtan Sonyeondan (BTS) ang kanilang awit na "DNA" mula sa kanilang "Love Yourself: Her" album na inilabas noong Setyembre.
Ang American Music Awards ay isang tanyag na awards show na nagbibigay ng parangal sa mga maniningning na personalidad sa industriya ng musika.
Bukod sa BTS, nagtanghal din ang mga bandang Portugal. The Man at Imagine Dragons. Umawit din sina Lady Gaga, Kelly Clarkson at Diana Ross.
Idinaos ang 2017 American Music Awards sa Microsoft Theatre sa Los Angeles, California.
Huling bumisita ang BTS sa Pilipinas noong Mayo para sa kanilang Wings Tour.
Mayo 21 nang manalo si BTS sa Billboard Music Award (BBMA) para sa Top Social Artist Award. Sila ang kauna-unahang grupo mula South Korea na nagkamit ng BBMA.
-- Retrato mula sa Reuters
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, balita, showbiz, entertainment, Kpop, K-pop, Korean pop, BTS, American Music Awards, slideshow, site only