Reunion movie nina Piolo at Claudine, hindi na matutuloy?

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2019 06:54 PM

MAYNILA -- "Let's just wait and see." 

Ito ang naging pahayag ng aktor na si Piolo Pascual sa entertainment press nang hingan ito ng update sa napipintong reunion movie nila ni Claudine Barretto.

Sa naging panayam sa aktor, naging matipid ito sa pagbibigay ng detalye para sa inaabangan na proyekto nila ni Claudine na huli niyang nakasama sa pelikulang "Milan" noong 2004.

"I'm not in the position to say anything about that," tugon ni Piolo sa naging ulat ng Pep.

"It's a very sensitive issue. Let's just wait and see. We only have prayers to everyone," dagdag pa ng aktor.

Ayon kay Piolo, wala rin siya sa posisyon para magbigay ng detalye sa kanilang binubuong proyekto. "It's rather confidential for now but yeah, it's a very interesting story. Next year? We don't know yet, mahirap magsalita tapos 'di mangyayari. I'm just really waiting. Depende sa Star Cinema."

Ang reunion project ni Piolo at Claudine ay pangungunahan ng direktor na si Cathy Garcia Molina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.