Dimples Romana: 'Angel is my hero'

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2019 12:23 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi napigil ni Dimples Romana ang maiyak matapos marinig ang mensahe mula sa kanyang matalik na kaibigan na si Angel Locsin para sa kanyang kaarawan.

Para sa kanya, bayani si Angel dahil sa pagdamay nito sa kanya sa oras na kailangang-kailangan niya ng tulong.

"Mahal na mahal ko kasi 'yan. Siyempre siya ang nag-iisang Darna sa akin. Alam mo 'yan si Gel, ganyan lang ang sinasabi niya na ako ang hero niya, hindi totoo 'yon. Angel is my hero because during the time that I was going through the lowest, lowest of my life Angel came at the right time and she gave me strength," ani Dimples sa "Magandang Buhay" nitong Martes.

"And because she's that rock for me, every time I see her and every time may pinagdadaanan siya, lumalabas 'yung pagka-protective ko. Kasi naiisip ko, itong taong ito hindi ito sanay na maging mahina. Pero dahil at some point ay naging lakas ko siya, gustong-gusto ko, reding-ready ako ibigay sa kanya pabalik 'yung lakas na 'yon," dagdag niya.

Giit ni Dimples, higit pa sa isang kapatid ang pagmamahal niya kay Angel na aniya ay isang anghel sa kanyang buhay.

"I love you so so much and I don't think na masusukat ang pagmamahal ko sa iyo dahil forever na. And ako, I just know na napaka-blessed ko na mayroon akong kaibigan na kahit anong mangyari sa akin, she will always be there for me. Alam mo 'yung kapag lilipad ka, lilipad ka eh kasi alam mo may sasalo. Siya 'yon para sa akin," mensahe ni Dimples kay Angel.