'Dahil engaged na si Sarah': Neri Miranda, nagpa-burger

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2019 11:57 AM | Updated as of Nov 19 2019 03:50 PM

MAYNILA -- Hindi maitago ni Neri Naig-Miranda ang kasiyahan na engaged na ang kanyang idolo na si Sarah Geronimo sa aktor na si Matteo Guidicelli.

Sa kanyang pinakabagong vlog na inilabas nitong Lunes, ibinahagi ni Neri ang video nang pagbili at pamimigay niya ng 100 burger sa kanilang lugar sa Alfonso, Cavite, bilang selebrasyon sa naganap na engagement. 

Watch more in iWant or TFC.tv

"Dahil engaged na si Sarah at super duper happy ako, namigay ako ng burgers sa lahat ng nakasalubong ko," ani Neri sa caption ng kanyang video.

Sa kanyang Instagram post noong Nobyembre 7, ibinahagi ni Neri na kahit hindi sila magkakilala nina Sarah at Matteo ay masaya siya para sa dalawa. 

Dito rin niya unang ipinangako na magpapa-burger siya dahil sa masayang balita.

"Nakakaiyak. Sobrang masaya ako para sa 'yo. Di pa tayo close niyan ha? Hahaha! Di mo nga ako kilala! Alam ko at naniniwala ako na isa kang mabuting tao. Kaya lahat ng pagmamahal at happiness ay pinagpe-pray naming lahat!" ani Neri kay Sarah.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.