Bela Padilla, willing makatrabaho muli si Marian Rivera

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2019 03:46 PM

Bela Padilla at Marian Rivera. ABS-CBN News/Instagram: @marianrivera

MAYNILA -- Hindi isinasantabi ng Kapamilya star na si Bela Padilla ang posibilidad na magsama sila ng aktres na si Marian Rivera sa isang proyekto.

Kasunod ito ng kanyang naging panayam sa "Tonight With Boy Abunda" nang tanungin siya kung bukas ba siya na gumawa ng proyekto kasama si Marian Rivera.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Why not?" tugon ni Bela sa panayam ng press. "I'm not sure if she's doing a movie right now."

Matatandaan na noong 2010, napabalita ang hindi pagkakaunawaan nina Bela at Marian na magkasama noon sa GMA 7.

Dito, sinabi rin ni Bela na nagkaroon na ng mga pagkakataon na nagkita sila ni Marian matapos ang napabalitang pagaayos nila noong 2014.

"We always say 'hi' naman," pahayag pa ni Bela.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.