Regine Velasquez, ipinagdiwang ang unang taon sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2019 02:30 PM | Updated as of Nov 17 2019 03:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Kasabay ng kanyang pagdiriwang ng isang taon bilang isang Kapamilya, binigyang pagkilala si Regine Velasquez-Alcasid sa "ASAP Natin 'To" nitong Linggo.

"Napakabilis po talaga ng panahon. Kahit ako, hindi ako makapaniwalang naka isang taon na pala ako simula nang pagbabalik ko dito sa ABS-CBN," ani Regine. 

Muli niyang pinasalamatan ang lahat ng mga fans, kaibgan at mga Kapamilya na buong pusong tumanggap sa kanyang bagong tahanan

"Isang taon na po akong nakikipag-kantahan, nakikipag-kuwentuhan, nakikipag-kulitan kasama kayong lahat. Salamat po na sa aking pagbabalik ay tinanggap niyo po ako at ako po ay inyong minahal,"ani Regine.

"Thank you for loving me Kapamilya."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.