Kim Chiu, inaming nape-pressure sa mga kasabay sa MMFF 2018

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2018 05:48 PM

Kim Chiu. ABS-CBN News

MAYNILA -- Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ngayon ng aktres na si Kim Chiu sa nalalapit na pagsisimula ng 2018 Metro Manila Film Festival.

Isa ang pelikula ni Kim na "One Great Love" sa mga mapapanood sa film fest.

"First time kong makasama si JC (De Vera), si Dennis (Trillo), tapos lahat first time," excited na pahayag ni Kim kasabay ng kanyang muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Watch more in iWant or TFC.tv

Bukod sa pananabik sa pelikula, hindi naman itinanggi ng aktres na nakakaramdam din siya ng kaba na makakasabay niya ang ilang naglalakihang Kapamilya stars sa film festival.

"[Kasama sa MMFF sina] Vice (Ganda), Anne (Curtis), Coco (Martin), Jericho (Rosales), oo naman, andoon 'yung kaba. And hindi ko na alam 'yung pakiramdam ko," aniya.

"[Kaya] As early as now, nag po-promote na ako na sana panoorin niyo ang 'One Great Love.' It's a really good story and ako, proud ako para sa pelikula," dagdag ng aktres.

Sa darating na Pasko mapapanood ang "One Great Love" at iba pang pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.