Gerald Anderson, nagpahayag ng suporta sa relasyon ni Kim kay Xian

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2018 08:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi na big deal para sa Kapamilya actress na si Kim Chiu ang ginawa niyang pag-amin sa "Tonight With Boy Abunda" sa tunay na relasyon nila ni Xian Lim.

Sa naging panayam kay Kim sa renewal ng kanyang kontrata sa ABS-CBN, sinabi niyang marami na rin ang nakakaalam nito, lalo na ang malapit nilang mga kaibigan.

"Kahit naman na hindi namin sabihin na oo o hindi, siguro sa actions namin sa social media saka 'pag nakikita kami ng tao na kasama namin, alam naman din nila," tugon ni Kim.

Kung tatanungin naman kung gaano na sila katagal ng aktor, tanging pabiro lang ang naging sagot ng Kapamilya actress.

"Hindi ko nga sinagot kay Tito Boy 'yun, ikaw pa ba?" pabirong sagot niya sa press.

Ayon pa kay Kim, ang constant communication ang isa sa masasabi niyang "secret" ng kanilang matatag na relasyon ni Xian.

"Communication palagi and hindi lang nawawala 'yung tawagan talaga," pahayag pa niya.

Samantala, kasunod ni Kim na nag-renew ng kontrata ang kanyang dating kapareha at minsang naging inspirasyon na si Gerald Anderson.

Dito, nahingan ng reaksiyon ang aktor sa lagay ng buhay pag-ibig ni Kim.

"Happy ako para sa kanila? Oo naman, matagal ko na rin silang kilala," pahayag ni Gerald tungkol kina Kim at Xian.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.