Vina, may payo sa mga artistang inakusahan ng pagiging unprofessional

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 12:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Nagbigay ng payo si Vina Morales sa mga artista na nasasangkot sa isyu ng pagiging unprofessional.

Ayon kay Vina, dapat maging professional kahit pa may mga problema. The show must go on, ika nga, anuman ang pinagdaraanan.

Ibinahagi pa ni Vina ang kanyang karanasan noon na kahit three months pregnant sya, itinuloy niya ang US tour dahil sa pinirmahang kontrata.

Kuwento niya, may time na sumakit ang kanyang tiyan.

Nagpaalam siya noon na pansamantalang bumaba sa stage para lang i-check kung may spotting siya.

Buti na lang daw at ayos ang kanyang kalagayan kaya sumampa ulit siya ng stage para ituloy ang performance. -- Umagang Kay Ganda, Nobyembre 14, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.