'Sana soon': Luis Manzano, ikakasal na nga ba?

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 01:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

 
MAYNILA -- "Sana soon. Sana talaga." 

Ito ang tugon ni Luis Manzano sa tanong ng kaibigan niyang si Billy Crawford kung kailan na nga ba siya magpapakasal.

Si Luis ang nobyo ng aktres na si Jessy Mendiola.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, sinabi ni Luis na ayaw niyang madaliin ang lahat.

"Kasi ito talaga, nakita ko rin naman kung gaano talaga ka-happy si Billy Boy at siyempre kahit paano, nakakainggit 'yung nakikita mo, 'yung may formality na ang kanilang pagmamahalan," ani Luis.

"Pero at the same time ayaw kong madaliin, ayaw kong pilitin. Kasi marami tayong kilala na ikinasal and it didn't work out at kapag tinanong mo, ang sagot nila, 'hindi pa pala 'yon ang tamang time.' Ipinilit lang, dahil na-pressure sila sa pamilya, sa society," paliwanag ni Luis.
 
Sinuportahan naman ni Billy ang sinabi ni Luis na hindi dapat minamadali ang pagpapakasal.

Pero dagdag ni hirit ni Billy, naniniwala siyang malapit na ring lumagay sa tahimik si Luis.

"Tama si Lulu Boy, hindi puwedeng pilitin ang hindi pa tama sa oras, alam mo 'yon? Ito si Lulu Boy, masipag, mapagmahal at sobrang nag-iipon 'yan para sa kinabakusan niya at ng pamilya niya. Ako, sobrang happy rin ako kay Lulu Boy kasi alam ko malapit na 'yan, sobrang malapit na 'yan," ani Billy.