Dionne Monsanto, aminadong nami-miss na mag-teleserye

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 12:08 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Markado si Dionne Monsanto sa mga eksenang pisikalan gaya sa 2016 hit afternoon teleseryeng "Tubig at Langis."

Marami na ang nakaka-miss kay Dionne sa ganitong mga papel pero mukhang magbabalik na siya sa pagiging kontrabida sa telebisyon.

"I miss doing TV also. I'm available next year. Kasi ngayon November na, December medyo busy spending time with my family. So sana teleserye next year," ani Dionne.

Dagdag pa ni Dionne na may offers na rin siyang napalampas dahil sa demand nito sa oras.
 
"Ang hirap kasi with the schedule, 'yun ang palagi kong tinatanong. I just need the schedule can you give me like the exact months kung kailan natin gagawin ito," ani Dionne

Hindi malilimutan ni Dionne na effective siya bilang kontrabida base sa reaksiyon sa kanya ng mga manonood.

"'Ive experienced so many times na kinukurot ako sa mall, minumura ako sa mall, natapik na ako, 'yung mga ganyan. Ngayon it's much better pero people still think that I'm maldita in real life," ani Dionne.

Hoping si Dionne na mapanood muli sa isang teleserye para maipakita niya ang husay sa pag-arte.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.