Billy Crawford, nagbalik-tanaw sa barkadahan nila ni John Lloyd, Vhong at Luis

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 12:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagbalik-tanaw si Billy Crawford sa barkadahan nila ni Vhong Navarro, Luis Manzano at John Lloyd Cruz.

Nagsama-sama ang apat nang maging parte sila ng grupong Kanto Boys na nabuo sa "ASAP."

"Doon na nabuo talaga ang Kanto Boys, nung nag-start na, 'yung binabali lang namin 'yung performances namin sa ASAP, 'yung sinisira lang namin 'yung sarili namin," ani Billy.

Pag-amin ni Billy, nakakausap pa rin nila si John Lloyd kahit hindi nila ito madalas na makita.

"Siyempre busy rin 'yung tao, may pamilya rin ang tao and he lives a private life as well, 'di ba? Pero 'yan si Lloydie, 'di ko mare-replace 'yan bilang kaibigan sa akin," ani Billy.

"Hindi lang alam ng tao, pero ang laki ng tulong ni Lloydie para sa amin ni Coleen (Garcia). Sa lahat ng usap, sa dalaw nila, pumunta sila sa bahay noong bago kami ikinasal. Si Lloydie 'yung parang hindi mo man makita ay nandiyan pa rin siya, alam mo na nandiyan. Mahal namin 'yan si Idan (John Lloyd). Kaya 'yung Kanto Boys na 'yan kahit 'di kami magsama-sama ngayon, kapag nagkita kami ay nandiyan pa rin ang Kanto Boys," dagdag ni Billy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.