Xian Lim, gustong i-direct si Kim Chiu sa isang proyekto

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 03:30 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

MAYNILA -- Hindi isinasantabi ng aktor na si Xian Lim ang posibilidad na maging direktor siya ng kanyang kapareha na si Kim Chiu sa isang proyekto.

Matatandaan na kabilang na ngayon si Xian sa mga nagsisimulang gumawa ng pangalan bilang isang direktor sa pelikulang "Tabon" na kasali sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival.

"Of course, oo naman," tugon ni Xian sa naging panayam ng Push.

Ayon sa aktor, kung may pagkakataon, panibagong experience ito para sa kanila ni Kim.

"Kasi ang tagal na namin na magkasama ni Kim, and ang only experience lang talaga namin ni Kim is being on-cam. But it would be a completely different feeling kung siya naman ang nasasabihan ko (as a director)," aniya pa. "Pero parang magiging mahirap 'yun,"

Pero bago ang kanyang pangarap na maging direktor ni Kim, tutok muna sila ngayon sa kanilang pagbabalik-telebisyon sa "Love Thy Woman" na inaasahaang mapapanood sa unang bahagi ng 2020.

"Dire-direcho na ang taping namin. Ganun naman kapag nagte-tape na parang nararamdaman mo na 'pag papalapit na, so nangungulit kami and sinasabi namin na kailan ipapalabas. Sabi naman nila for sure next year," ani Xian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.