'Bidaman' Jin Macapagal, gaganap na Ibarra sa pelikulang 'Damaso'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 12:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Bagong bersyon at atake sa "Noli Me Tángere" at "El Filibusterismo" ni Jose Rizal ang mapapanood sa pelikulang "Damaso" movie na all-star cast ang produksiyon.

Kabilang ang mga Kapamilyang sina Ejay Falcon bilang Elias, Vina Morales bilang Sisa at Bidaman grand winner Jin Macapagal bilang Crisostomo Ibarra.

Unang pelikula ni Jin at lead role kaagad ang naibigay sa kanya na kanyang pinaghandaan ngayon, lalo na ang malalim na Tagalog, ayon sa baguhang aktor.

"'Yun po talaga ang naging struggle ko dahil bilang taga-Cebu po ako, ang language po namin ay Visaya at English din. Pero matagal-tagal na rin ako dito sa Maynila kaya sinusubukan ko mag-Tagalog araw-araw," ani Jin.

Tuloy-tuloy na ang acting career ng ating Bidaman na 'di pinalampas ang kumatok na pagkakataon sa kanyang career.

"Ako po ay binigyan ng oportunidad at na grab ko ang opportunity na 'yun kasi malaking karangalan na gumanap Crisostomo Ibarra," ani Jin.

Umaasa si Jin na tatangkilikin ng manonood ang kanilang pelikula, lalo na ang mga kabataan na dapat matuto sa mga aral ng kuwento ni Jose Rizal.