Angelica Panganiban, nakatanggap ng birthday surprise mula kay Bea Alonzo

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 12:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- May birthday surprise si Bea Alonzo para sa kaibigang si Angelica Panganiban.

Noong Nobyembre 4 ay nagdiwang si Angelica ng kanyang ika-33 kaarawan, pero nasa Japan noon si Bea kaya kahapon lang niya inawitan ng "Happy Birthday" at binigyan ng cake si Angelica.

Aabangan ang dalawa sa pelikula ng Star Cinema na "Unbreakable" kasama si Richard Gutierrez.

Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang "Unbreakable" simula Nobyembre 27.

-- Umagang Kay Ganda, Nobyembre 13, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.