JM de Guzman, nag-I love you kay Barbie Imperial

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2018 12:08 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- May nakakakilig na message si JM de Guzman para kay Barbie Imperial.

Ibinahagi ito ng aktres sa kanyang Instagram.

Sa isang gift card nakasulat ang mensahe ng aktor na "Dearest love, I'd go against the world just to win your heart, I'm willing to sacrifice a lot just to win you. I love you with all my heart."

Matatandaang nagkasama sina JM at Barbie sa katatapos na seryeng "Araw Gabi" at kahit tapos na ang serye, aminado ang dalawa na naging malapit sila sa isa't isa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.