Pamilya ni Julia Barretto, mas pinatibay ng kontrobersya

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 02:39 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto) on

MAYNILA -- "Masaya kami, strong ang bond namin."

Ganito inilarawan ng Kapamilya star na si Julia Barretto ang kanyang pamilya matapos humarap sa kontroberysa.

Ayon kay Julia, masaya sila ngayon ng kanyang mga kapatid sa kabila ng gulo ng kinaharap ng kanilang ina na si Marjorie at mga kapatid nito na sina Gretchen at Claudine.
 
"I am happy. Masaya kami, kami ni Mommy, kaming magkakapatid," tugon ni Julia sa ulat ng Pep.

Kuwento pa ng Kapamilya star, mas pinatibay raw nang pinagdaan na kontroberysa ang pagmamahal nila sa kanilang ina at isa't isa.

"I think in general, kahit anong pagdaanan ng mga tao, ng mga pamilya, ng magkaibigan, ng magkarelasyon, in general, kahit na anong pagdaanan, nakakapagpatibay talaga ng loob, nakakapagpatibay ng relationship, ng love, ng connection, di ba?," aniya.

At kung tatanungin naman ang naging payo sa kanila ng kanilang ina, ani Julia: "Maraming payo si Mommy, pero siguro ang favorite ko na payo niya is 'Don't be late on work, always be on time.' But, I think, it's always be a better person, always be a kinder and better person. The bigger person always leaves it up to the Lord."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.