Nathalie Hart, handa na sa kanyang pagbabalik-showbiz

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 05:19 PM | Updated as of Nov 12 2019 05:33 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Nathalie Hart (@imnathaliehart) on

MANILA -- Balik-showbiz muli ang aktres na si Nathalie Hart na bida ngayon sa iWant movie na "Barbara Reimagined."

Ito ang unang sabak sa showbiz ng aktres matapos niyang magpakasal at magsilang sa kanyang unang anak.

"Bumalik ako kasi kailangan kong tapusin 'tong pelikulang 'to kasi napirmahan ko 'tong kontrata dito," tugon ni Nathalie sa panayam ng press.

"Tapos kailangan nila ire-shoot ang ilang eksena. Tapos meron rin akong peliklulang gagawin sa Viva, so kailangan talaga. I mean, I really want to work talaga kasi para sa akin," paliwanag ng aktres.

Watch more in iWant or TFC.tv

Aminado si Nathalie na nakaramdam siya ng pananabik na magtrabaho muli matapos ang halos isang taon na paninirahan sa Egypt kasama ang kanyang asawa at anak.

"I feel like noong nawala ako nang isang taon, parang it was the longest time of my life, parang 'yung oras ang tagal-tagal," aniya.

Ayon pa sa aktres, mas pinili niya muna na tutukan ang kanyang pamilya.

"Na-enjoy ko ang pagiging nanay. I mean, hindi naman mawawala 'yun hanggang ngayon, nanay pa rin ako. Pero 'yung time na dumating ang anak ko, sobrang stressful. Hindi madali maging nanay, breastfeeding ako and napakahirap noon para sa akin. And tumigil lang ako noong 7 months na ang baby ko kasi, feeling ko tama na 'yun," ani Nathalie.

"In-enjoy ko naman pero iba 'yung fulfillment na may ginagawa ka, in your career. Iba 'yung may career ka. Para sa akin, hindi lang 'yung okay ang pamilya mo, gusto ko fulfilled din ako sa ginagawa ko."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.