'Kaunting hintay pa': Kathryn Bernardo at Daniel Padilla may mensahe sa kanilang fans

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 06:57 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

MAYNILA -- Labis na pananabik na rin ang nararamdaman nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa kanilang nalalapit na pagbabalik-telebisyon.

Ayon kay Daniel, alay nila ang kanilang bagong proyekto sa mga fans na matagal na silang na-miss sa telebisyon.

"Siyempre kami rin ay very excited dahil it's been a long time and excited din kami sa istorya na gagawin namin," ani Daniel sa panayam ng Push.

"Ngayon pa lang happy rin kami para sa [fans] dahil siyempre ito na."

Gaya ng kanilang fans, nananabik na rin si Kathryn sa ibabahagi nilang kuwento.

"Medyo matagal kasi nag-intay din sila. Sabi nga namin, kaunting hintay pa kasi 'yung hinahanda namin, as in pinapaganda talaga ng Dreamscape rin, para maganda natin simulan ‘yung 2020. So very excited," pahayag ni Kathryn.

Sa ngayon, kabilang sina Kathryn at Daniel sa makikisaya sa "ASAP Natin 'To" sa Rome, Italy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.